'Ngayong tapos na ang kasunduan, ay kailangan ko nang umasa sa aking sarili pagdating sa paglalakad sa daanan na nasa aking harapan,' Patagong napabuntong-hininga si Xiao Dun.
Sa kaniyang lakas, ang bawat hakbang na gagwin niya ay magiging mahirap para sa kaniya sa loob ng Saint Martial Secret Zone.
Marahil, ay magagawa niyang makapasa sa mga pagsubok ng low-grade na Divine Ability, ngunit magiging imposible para sa kaniya na makalampas sa mga pagsubok ng medium o high-grade na Divine Ability Relic.
'Bakit ba ako masiyadong nag-iisip? Sa kasalukuyan, ay nakakuha na ako ng isang kakaibang medium-grade na Divine Ability, at ito ay nakakagulat na! Sa aking kasalukuyang lakas, kasakiman na para sa akin na humiling ng ganitong klaseng mga Divine Ability.' Sa sandaling maisip ito ni Xiao Dun, ay mas lalo siyang napanatag at saka lumitaw ang isang ngiti sa kaniyang mukha.
Sa wakas ay nakuha na niya ang mga kundisyon nito.