Tatlong tao ang muling lumitaw sa pasukan ng Saint Martial Secret Zone.
"Bakit naririto kayong tatlo?" Nang makita ni Zhao Deng ang tatlong lalaking lumabas, nagdilim kaagad ang kaniyang ekspresyon dahil ang tatlong lalaking ito ay kabilang sa Zhao Clan.
Sa totoo lang, mayroon lamang limang lalaking mula sa Zhao Clan ang pumasok ngayon, kasama si Zhao Ji. Gayunpaman, apat na tao na ang napalabas sa loob lamang ng isang buwan.
Bang makitang nagdilim ang ekspresyon ni Zhao Deng, ang tatlong disipulon ng Mystical Sky Mansion na mula sa Zhao Clan ay mayroong mapait na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Hindi nila mapigilang magmura sa loob nila, "Kung hindi siya ginalit ng iyong anak, hindi kami mapapalabas!"
Walang sinuman ang masisisi sila sa pagkakaroon ng ganoong pag-iisip.
Bagaman sila ay mga disipulo ng Mystical Sky Mansion na mula sa Zhao Clan, hindi sila nagkaroon ng interaksyon kay Duan Ling Tian noon, lalo na ang galitin siya.