"Ang bagay na ito ay mayroong malaking kahalagahan. Dapat kong personal na umulat sa Lord Mansion Master," seryosong sabi ni Gu Ci Yun, "Li'er, sundan mo ako upang makita ang Lord Mansion Master."
"Opo, Ama," sagot ni Gu Li bago sundan si Gu Ci Yun upang makita ang kasalukuyang Mansion Master ng Mystical Sky Mansion.
Kasabay nito, dumating na rin si Zhao Ji sa Main Mansion ng Mystical Sky Mansion. Agad siyang nagtungo sa kaniyang ama upang magreklamo.
"Ama, sumosobra na si Gu Li sa pang-aalipin sa akin!" Tumitig si Zhao Ji sa 'di gaano katandang lalaki sa kaniyang harapan nang may napahiya at naiinis na ekspresyon sa kaniyang mukha. Mayroon pang mga bakas ng galit sa kaniyang mga mata. "At ang bagong disipulo na iyon, si Ling Tian! Ang lakas ng loob niyang sampalin ako nang dalawang beses sa harap ng lahat. Hindi niya lamang ako binastos, ngunit pati ikaw ay binastos niya, ama!"