" Oo, narinig ko iyon." Tumango si Duan Ling Tian sa mga tanong ni Huang Tong. Sa totoo, hindi siya nag-aalala sa mga bagay na iyon.
" Malakas ka kaysa sa aking nakababatang kapatid, kaya lang wala kang magandang asal ng dapat taglay ng isang powerhouse at ipinahiya mo ang aking kapatid ng ganyan. Hindi mo ba naisip na sumusobra ka na?" SInabi ni Huang Tong nang may malumbay na ekspresyon.
Napangiti si Duan Ling Tian." Sabi mo sumusobra na ako. Kaya lang, alam mo bang ang iyong kapatid ay sinadyang pasukin ang bahay ko at inistorbo ang cultivation ko? Nang makita niya ao na lumabas, ipiapatuloy pa niya ang panggugulo sa akin at hinamon niya ako...Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Maging mapag-pasensya? Sabihin mo sa kanya na mas malakas ako, para umatras na siya na harapin ang mga paghihirap?" Sinabi ni Duan Ling Tian ang detalye ng nangyari.