Nang makaharap ng Flowery Monk at Jing Xu Zi ang Territory teknik ni Xu Jing, pinagsama-sama nila ang kanilang sariling Territory mula sa kanilang True Origin.
Naglabas ng isang gintong liwanag ang Territory ng Flowery Monk. Sa katunayan, kung ikukumpara ito sa 10,000 Swords Territory na pinagsama-sama ni Duan Ling Tian gamit ang kanyang Sun True Origin, ang gintong liwanag na nakapaloob sa Territory ng Flowery Monk ay hindi nakakasilaw. Ang gintong liwanag ng 10,000 Swords Territory ni Duan Ling Tian ay kasing liwanag ng araw, ito ay nakasisilaw at kahanga-hanga.
Sa paghahambing, ang Territory ng Flowery Monk ay hindi ganun na nakakasilaw. Gayon pa man, hindi ibig-sabihin nito na ang kanyang Territory ay mahina. Medyo makikita ng isa ang isang mga imahe ng Buddhas sa loob ng Territory ng Flowery Monk. Ang Buddahas na ito ay lumitaw na parang mga estatwa. Ang ilan sa mga ito ay nakatayo, at ang iba naman ay naka-upong dekwatro.