Chapter 1682 - Sabwatan?

Kung hindi pinatay ng taong iyon ang disipulo ng Rising Sky Mansion, paniguradong magiging handa siyang isantabi ang kanyang kayabangan upang subukang mapunta ito sa kanyang Rising Sky Mansion.

Ngumiti si Duan Ling Tian kay Ren Zhong at Liu Hong Guang bago niya sinabi sa mga ito ang kanyang hindi tunay na pangalan. Sa parehas na sandali, siya'y nagsalitang muli, "Salamat at mataas ang inyong tingin sa akin, Vice Mansion Master Ren at Elder Liu. Sa pagsali naman sa Sky Hurdle Mansion at Raging Wave Mansion, mahalagang usapin ito para sa akin. Ayos lang ba kung akin itong pag-iisipan muna at bibigay ko ang aking kasagutan pagtapos ng Rising Sky Ranking Battle?"

Pag-isipan ito?

Sa sandaling natapos magsalita si Duan Ling Tian, agad na lumiwanag ang mga mata ni Ren Zhong at ni Liu Hong Guang.

Likas na, alam nila kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga sinabi. Hindi niya sila tinanggihan kaya mayroon pang tiyansa!

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS