Kung hindi niya mahaharangan ang Territory, hindi na kailangan pang maglaban. Ito ay dahil mamamatay na siya agad sa Territory ng kalaban bago pa siya makalaban. Likas na, mangyayari lamang ito kung ang pagkakaiba ng kanilang lakas ay masyadong malaki.
Paniguradong hindi ito ang maiisip ng mga sectless cultivator kung hindi ganito kabata si Duan Ling Tian. Subalit, talaga namang napakabata tignan ni Duan Ling Tian.
Ayon nga sa kasabihan, 'Ang isang lalaking masyadong bata para magkaroon ng balbas ay hindi maaasahan.' Angkop ang kasabihang ito sa sitwasyon ngayon.
"Masyadong mataas ang tingin sa aking sarili?" Isang marahang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Duan Ling Tian noong narinig niya si Xu Ping, ang mga sinabi ng disipulo ng Rising Sky Mansion.
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Duan Ling Tian noong pasugod na sa kanya si Xu Ping na ginagamit na ang kanyang Territory.