Sa ibabaw ng langit, ang sampung mga pirso ng chess ay nagsimulang lumaki. Sa huli, ang bawat isa sa mga piraso ay naging isang malaking plataporma. Kahit na malaki ang mga piraso ng chess, ito ay wala lamang kumpara sa chessborad ng Nimble Chess Set.
Nabigla si Duan Ling Tian sa sampung mga piraso ng chess na parang napakalaking mga higante. "Ang ganoon kalaking mga piraso ng chess ay nakalutang sa hangin... Ito ba ay isang Mirror Image sa Illusory Formation?"
Gayunpaman, nang tanungin ni Ren Zhong ang mga taong nasa eksena upang umakyat sa sampung mga piraso ng chess, napagtanto ni Duan Ling Tian na ang sampung mga piraso na ito ng chess ay hindi oradinaryong mga Mirror Images sa Illusory Formation. Nang lumapag siya rito, pakiramdam niya ay nakatayo siya sa isang matigas na lupa.
"Ano'ng klase ng Formation ito?" Si Duan Ling Tian ay nabigla. "Ang galing dahil nakagawa sila ng gantong makatotohanang Mirror Image sa Illusory Formation!"