Matapso magtipon ang mga elder ng Greenwave Han Mansion sa panig ni Han Xin, pumunta sila upang makita ang Mansion Master ng Greenwave Han Mansion matapos ang kalahating oras.
Ang Mansion Master ng Greenwave Han Mansion ay isang lalaking may katamtamang edad na may magandang katawan. Ang kaniyang mukha ay tila isang jade, at nakasuot siya ng isang pilak na roba. Ang kaniyang marangal na aura ay naglalabas ng napakalakas na puwersa habang siya ay nakatayo.
Kahit ang mga elder tulad ni Han Ke ay naramdaman ang kaniyang kabunyian nang tumayo sila sa kaniyang harapan. Sa isang sandali, wala sa kanila ang nangahas na huminga nang malalim.
Ang Mansion Master ng Greenwave Han Mansion, si Han Zheng Tian, ay tumingin kay Han Ke, at sa iba nang malamig bago itanon, "Mga elder, anong nagdala sa inyo rito?"
Sa sandaling ito, si Han Ke at iba pa ay bumalik na sa kanilang sarili.