Ang dahilan kung bakit pumunta dito si Ye Mu Bai ay upang makita ng kaniyang sariling mga mata ang pagkamatay ni Duan Ling Tian.
Pinatay ni Duan Ling Tian ang kaniyang third brother, sukdulan na ang kaniyang pagkagalit. Gusto niyang wasakin ng libo-libong piraso si Duan Ling Tian, ngunit wala siyang kakayahan at umaasa lamang kay King Qian. Gayon pa man, ang taong inaakala niyang may magagawa kay Duan Ling Tian ay wala din palang magawa.
Noong una, siya ay namamangha din sa Devilseal Tablet, ngunit nawala na ang interes niya dito nang malaman noyang pinatay ni Duan Ling Tian si Lin Dong. Mangyari pa, ang kaniyang kawalan ng interes ay walang kaugnayan sa kaniyang sariling pang-unawa. Alam niyang hindi siya nagtataglay ng abilidad upang makuha ang Devilseal Tablet.
Tumingin si Ye Mu Bai kay Duan Ling Tian. Nais niya talagang sumugod kay Duan Ling Tian at maghiganti para sa kaniyang third brother.