Hindi nagtagal, ang Devilseal Tablet ay dumating na sa harap ni King Qian. Ang itim na ilaw na pumapalibot dito ay unti-unti nang naglalaho. Kaya, ang Devilseal Tablet ay bumalik sa simple nitong anyo at saka ito lumapag sa nakalatag na kamay ni King Qian.
Si King Qian ay napuno ng kasiyahan nang mahulog sa kaniyang mga kamay ang Devilseal Tablet.
Sa sandaling iyon, ang lahat, maliban kay Duan Ling Tian, ay napunta ang atensyon kay King Qian. Para mas lalong maging eksakto, ang kanilang mga atensyon ay nasa Devilseal Tablet.
Dahil lumitaw ang Devilseal Tablet, ito ay nakatadhanang maging sentro ng atensyon.
Whoosh!
Nang ang lahat ng mga mata, kasama ang kay Duan Ling Tian, ay napako sa Devilseal Tablet na nasa kamay ni Lin Dong, ang tunog ng espada na pumito sa himpapawid ay bumanda bago ito tuluyang nawala. Tanging ang mga Saint Stage powerhouse na naroroon lamang ang nakarinig dito ng malinaw. Kasama na dito si Duan Ling Tian.