"Lin Dong, huwag mong sabihin na katulad ka lamang ng mga taong ito, sa tingin mo ba ay ang Top Human Rank Saint Grade Martial Tactic lamang ang gustong kuhanin sa akin ni King Qian?" Ang mga sinabi ni Duan Ling Tian ay sobrang makahulugan.
Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, si King Qian at ang matatandang lalaki sa kaniyang likuran ay naging maputla. Hindi rin naiwasang mangunot ang noo ni Lin Dong. Siya ay biglang napatingin kay King Qian at nakita niya kung gaano kaputla ang mukha nito.
Ang puso niya ay tumibok ng mabilis.
'Maaari kayang may iba pang kayamanan sa Spatial Ring ni Duan Ling Tian? Base sa kaniyang mga sinabi, ang ninanais ni King Qian ay hindi bababa sa Top Human Rank Saint Grade Martial Tactic." Ang mga mata ni Lin Dong ay mabilis na nagliwanag.