Si Lin Dong ay nagbreakthrough sa Saint Stage na hindi inaasahan ng karamihan sa mga tao. Mayroon din namang mga tao na hindi namangha.
Si King Qian na nakatayo sa unahan at ang matandang lalaki na nakatayo sa likod niya ay hindi na nagulat sa pagbreakthrough ni Lin Dong. Base sa kanilang mga kalmadong ekspresyon, ay tila alam na nila na mangyayari ang bagay na ito.
Si Lin Dong ay dapat na nagbreakthrough na sa Saint Stage noong nakalipas na mga buwan. Pinigilan lamang niya ito dahil sa laban niya kay Duan Ling Tian.
Kung nagawa niyang magbreak through sa Saint Stage, ay maaaring hindi tanggapin ni Duan Ling Tian ang hamon niya, na maaaring hindi magustuhan ng mga tao kapag siya ang nanalo. Maaaring maliitin din nila siya at sabihin na inaapi niya ang mahihina.