Kanina, ang atensyon ng lahat kasama na ang mga Saint Stage powerhouse, ay nakapokus lamang sa anyo na nababalutan ng 10,000 na mga marka ng kamay. Dahil sa katwirang ito, walang nakapansin sa Territory ni Duan Ling Tian na naging isang espada, na nagbigay sa kaniya ng daan.
Ito ang dahilan kung bakit nagmintis ang atake ni Lin Dong.
Nang makita ito ni Bai Li Hong at ng iba pa, sila ay napabuntong hinga bago sila ngumiti.
"Master Duan." Nang makita nilang walang pinsala si Duan Ling Tian, ay napangiti rin si Situ Hang dahil sa kapanatagan ng loob.
Sina Situ Hao at Situ Hou ay napabuntong hininga rin dahil sa ginhawang naramdaman nila.
Para naman sa mga tao mula sa estado ni Ling Qian, sila ay sabay-sabay na napasimangot. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay.
Nagawang makatakas ni Duan Ling Tian mula sa matinding atake ni Lin Dong!