Kahit na inihayag ni Supreme Elder Peng ng Dark Nether Sect kay Duan Ling Tian ang pagnanasa niyang pumatay, hindi siya nagmamadaling kumilos.
Ginagamit din niya ang kaniyang Divine Consciousness upang suriin ang kapaligiran para makita ang mga taong nagtatago sa kadiliman. Siya at si Ye Feng ay parehas ng naiisip. Pakiramdam nila na mayroong isang powerhouse na pinadala ni Situ Hao na nagtatago sa dilim upang suportahan si Duan Ling Tian. Kung hindi, imposibleng basta na lamang na nagpakita si Duan Ling Tian sa kanila. Hindi nila lubos maisip na, maaaring, si Duan Ling Tian lamang mag-isa ay sapat na upang talunin silang dalawa.
'Dalawang mangmang!' Nagmura si Duan Ling Tian sa loob-loob niya nang makita niyang nakatitig ang dalawa sa kaniya, subalit ang kanilang atensyon ay wala talaga sa kaniya.