"Clan Leader, nagkaroon ng massacre sa base ng Dark Nether Sect sa capital. Ang mga Vice Sect Leaders, sila Zhou Shu at si Tan Chi, at ang dalawa pang mga elders ay pinaslang ng hindi kilalang powerhouse," mabilis na inulat ni Situ Hou kay Situ Hao pagkapasok niya sa silid. Mayroong bakas ng kasiyahan sa boses niya nang magsalita siya.
Ang Dark Nether Sect ay maituturing din bilang kalaban nila. Ito ay walang dudang isang magandang bagay na nakatagpo ng kamalasan ang Dark Nether Sect.
Nang marinig ni Situ Hao ang kaniyang mga sinabi, siya at si Situ Hang ay magkasabay na nagkatinginan, mayroon silang iisang mahihinuha sa pangyayaring ito.
"Master Duan!" Sabay nilang sinambit.
"Master Duan? Anong mayroon kay Master Duan?" Nang marinig sila ni Situ Hou, siya ay naguluhan.
"Grandpa Hou, sinabi mo rin na kahit ang Vice Leader ng Dark Nether Sect, si Zhou Shu, ay patay na?" Tinanong muli ni Situ Hang.