Sa mga sandaling ito, halos dalawang linggo na ang nakakaraan nang magbigay ang Situ Clan ng duel invitation kay Lady Feng na mula sa Drift Blaze Sect sa ilalim ng kagustuhan ni Master Duan.
Sa loob ng dalawang linggong ito, ang balita tungkol sa papalapit na labanan ay kumalat na sa ilang mga disipulo ng Drift Blaze Sect. Hindi rin nagtagal bago malaman ng higit sa kalahating mga tao ng Windfall Nation ang tungkol dito. Ang labanan na ito ay agad na naging mainit na balita, na nakakuha ng atensiyon sa higit kalahating mga tao sa Windfall Nation.
Umabot na rin sa punto na maraming mga tao na mula sa iba't ibang mga puwersa ang nagpapadala ng mga panauhin na liham, na nais nilang bisitahin ang Drift Blaze Sect upang masaksihan ang labanan.