"'Wag mong sabihin sa'king may batas ang Situ Clan na maaaring ang mga Saint Inscription Masters lang ang pwedeng pumunta? Kung iyon nga ang kaso, aalis na agad ako," walang kaibahang sabi ni Duan Ling Tian nang may wala-talaga-akong-pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha habang dumilim naman ang mukha ng babae.
Nang marinig ito ng magandang babae, gumaan ang ekspresyon nito bago muling tumingin kay Duan Ling Tian ulit. Tinuloy niya ang pangunguna niya nang wala nang iba pang sinasabi.
Kahit pa hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob nito. Dahil nandito na rin siya, hindi na niya pinaalis pa si Duan Ling Tian, at hahayaan na rin niya na subukan ito. Pinapabayaan ng babae ang kanyang trabaho kung paaalisin niya ito.
Sa ilalim ng pangunguna ng magandang babae, nakarating na rin si Duan Ling Tian sa maluwag na courtyard sa loob ng malawak na mansyon ng Situ Clan.