Lubos na pinag-isipan ni Duan Ling Tian ang kaniyang plano ng pagtawid sa malawak na disyerto patungo sa kapitolyo ng Wind Nation.
Noon siya ay nasa Moon Illumination Sect pa, narinig niya ang kaniyang Senior Brother, si Bai Li Hong, na banggitin ang Windfall Nation nang ilang beses. Base sa mga salita ni Bai Li Hong, siya ay mukhang masigasig din na magtungo sa Windfall Nation. Sinabi pa niya na kung 'di para sa Moon Illumination Sect, baka nagtungo na siya sa Windfall Nation.
Dahil dito, akala ni Duan Ling Tian na mataas ang tsansa na dinala ni Bai Li Hong sina Feng Wu Dao at ang iba pa sa Windfall Nation. Siya ay mayroong malakas na kutob tungkol dito.
Ang hindi inaasahan ni Duan Ling Tian habang siya ay tumatawid sa disyerto patungo sa Windfall Nation, ang kaniyang ama ay nakaalis na sa Cloud Continent pagkatapos niyang makuha ang bakas na iniwan niya sa Crimson Sky Kingdom sa Cloud Contient.