Nang ang pangkat ng mga taong mula sa Moon Illumination Sect ay ay tumingin sa mukhang hindi mapanganib na batang babaeng nakalilang damit, mababakas sa lahat ng kanilang mukha ang takot. Walang nangangahas na lumapit sa kaniya.
"Paano ka naming tatawagin, munting binibini?" Si Bai Li Hong ay huminga nang malalim bago tumingin sa batang babaeng nakalilang damit at pinilit ngumiti.
"ZI'er," sagot ng batang babaeng nakalilang damit. Kasabay nito, tumingin siya kay Duan Ling Tian at kumindat, kaya walang masabi si Duan Ling Tian.
Hindi kita gaanong kilala, tama?
Sa sandaling ito, si Duan Ling Tian ay mas nagtaka pa sa katauhan ng batang babaeng nakalilang damit.
'May kaugnayan kaya siya kay Chi Mei… Kung wala, ang lahat ng ito ay labis namang nagkataon inisip ni Duan Ling Tian.
"Bakit mo ako tinulungan kanina?" Hindi maiwansang magtanong ni Duan Ling Tian sa babaeng nakalilang damit gamit ang Voice Transmission.