Chereads / War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 1495 - Dalawang Nakamaskarang Lalaki

Chapter 1495 - Dalawang Nakamaskarang Lalaki

Napagtanto ni Duan Ling Tian na ang Qi Sea sa kaniyang katawan ay naging isang maliit na lawa. Tuluyan itong naiba mula sa kaniyang dating Qi Sea na kasing laki lamang ng palanguyan.

Mula sa pagkakaalam niya, kahit ang Qi Sea ng Early Saint Rudiment Stage Martial Cultivators at Dao Cultivators ay parang kanal lamang.

Samakatuwid, bagaman nahihirapan siyang paniwalaan ito, alam niyang totoong nakatuntong na siya sa Intermediate Saint Rudiment Stage sa sandaling nakita niya ang kaniyang Qi Sea.

"Elder Huo, ito ay.."

Tiningnan nang emosyonal ni Duan Ling Tian si Elder Huo na nasa harapan niya. Marami siyang nais itanong, ngunit wala siyang ideya kung ano ang dapat na unang itanong.

"Mamaya mo na itanong kung anuman ang nais mong itanong. Ang prayoridad mo ay pagharap sa dalawang taong nagmamanman sa iyo,"sinabi n Elder Huo kay Duan Ling Tian at umalis upang magtungo sa unang antas ng Seven Treasures Exquisite Pagoda.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS