Ang matandang lalaking mayroong puting buhok na tinawag ni Ouyang Qing na Lolo Shan ay ang second elder ng Ouyang Clan, si Ouyang Shan.
Lumaki sa kaniya si Ouyang Qing. Tinatrato siya ng matanda bilang kaniyang apo sa dugo. Ang pagmamahal niya kay Ouyang Qing ay lumagpas sa pagmamahal niya sa ama ni Ouyang Qing, si Ouyang Ba, para sa kaniya.
Kailangang ibigay ni Ouyang Ba ang kalahati ng kaniyang pagmamahal kay Ouyang Ruo habang ibinubuhos ni Ouyang Shan ang lahat ng kaniyang pagmamahal kay Ouyang Qing.
"Qing'er, hindi padalus-dalos ang iyong ama. Dahil pinagkakatiwalaan niya ang taong iyon, nangangahulugan ito na ang taong iyon ay posibleng mula sa isang ikapitong uring pwersa," nakangiting sbai ni Ouyang Shan habang umiiling.