"Ikaw!!" Nang marinig ang mga sinabi ni Duan Ling Tian, kaagad nalito at nataranta si Ouyang Qing ngunit hindi niya ito masagot.
Pagkatapos ng lahat, tama si Duan Ling Tian. Talaga ngang sinagip niya ang buhay ng kaniyang kapatid.
Sa kritikal na sandali, nagsalita si Ouyang Ba, "Sige, Qing'er. Si Little Brother Duan ay ating panauhin at tagapagligtas ni Ruo'er. Huwag kang maging bastos."
"Little Brother Duan, salamat sa pagsagip ng buhay ng aking anak." Tumayo si Ouyang Ba at pinagdaop niya ang kaniyang mga kamay sa harap ni Duan Ling Tian bilang pagpapakita ng pasasalamat.
"Walang anuman iyon, Ouyang Clan Leader. Wala iyon."
Umiling si Duan Ling Tian at dinagdag, " Ngayong pinasalamatan mo ako, kailangan ko ng bumalik kung wala ng iba pa. Kailangan kong kitain ang aking elder sa inn ngayong gabi."
Elder?
Nang marinig nila ang sinabi ni Duan Ling Tian, nagtinginan sa mga mata sina Ouyang Ba at Ouyang Euo at nakita nila ang kasiyahan.