"Tinanggap ni Elder Bai Li si Duan Tian bilang isang disipulo sa ngalan ng kaniyang guro, at ngayon ay isa na siyang junior brother ni Elder Bai?"
Pumunta si Su Qi upang hanapin si Liu Han ngunit tumigil sa labas ng kaniyang courtyard nang marinig itong sumisigaw.
Kahit na isang komplikadong tingin ang naipakita ng kaniyang mga mata, isang marahang ngiti naman ang lumitaw sa kaniyang mga labi. Matapos nito, tumalikod na siya at umalis. Sa huli ay hindi niya naktia si Liu Huan.
Alam na alam niya ang pasensya ni Liu Huan. Maghahanap lamang siya ng kaguluhan kung pupunta siya at hahanapin si Liu Huan ngayon.
Sa mga sumunod na araw, ang ulat ay kumalat sa inner court patungo sa outer court. Hindi na kailangang sabihin, ang outer court ay nagulat din sa ulat.