"Sa kasamaang palad, dahil sa aking limitadong talento, hindi ko kayang matutunan ang Strange Inscription Art na inwan ng aking guro... Hindi ko makukuha ang lahat ng mayroon ako ngayon kung wala ang Orthodox Saint Inscription cultivation technique na iniwan ng aking guro," seryosong sinabi ni Bai Li Hong. Siya ay nagbuntong hininga nang matapos na siya sa kaniyang pangungusap.
Ang katotohanang hindi niya kayang matutunan ang Strange Inscription Art na iniwan ng kaniyang gurong hindi niya nakita ay palaging gumagambala sa kaniya.
Nakakita na siya ng ilang mga talentadong mga Saint Inscription Master sa loob ng mga nakalipas na taon. Gayunman, wala sa kanila ang nagawang matutunan ang Strange Inscription Art.
Ang mahalagang bahagi ng Strange Inscription Art ay ang 'kakaibang' bahagi.