"Litaw!" Pagkabigkas ni He Zhong, agad na may umalingawngaw na "litaw" sa ere.
Ang sumunod ay inanunsyo ni Duan Ling Tian.
Noong pumasok sa tenga ni Duan Ling Tian ang True Energy Voice Transmission ni He Zhong, isang premonisyon ang agad na lumabas sa kaniyang puso. Agad siyang naging maingat.
Noong nakita niyang nilalabas na ni He Zhong ang Dao Talisman, alam niya kung bakit napakakampante ni He Zhong. Yun pala ay gustong gamitin laban sa kaniya ni He Zhong ang Dao Talisman.
Syempre naniniwala siyang hindi siya papatayin ni He Zhong gamit ang Dao Talisman, pero tatangkain siyang pilayin nito gamit iyon.
Siguro ay ito talaga ang plano ni He Zhong!
Kaya noong kumuha ng Dao Talisman si He Zhong, naglabas rin si Duan Ling Tian ng Dao Talisman.