"T-Tinanggap ni S-Senior Brother Duan Ling Tian ang imbitasyon ng death duel na ibinigay sa kanya ni Senior Brother Feng Fan? Hindi a-ako nagkakamali ng nakita hindi ba?"
"Oo, hindi ka nagkakamali! Nakita ko rin ito! Talagang tinanggap niya ang imbitasyon ng death duel!"
"Malakas lang ba ang kanyang loob o hinahanap niya ang kamatayan?"
"Mahirap sabihin... N-Ngunit, tila hindi siya isang tao na maaaring hanapin ang kamatayan."
"Marahil, hindi niya alam ang kasaysayan ni Senior Brother Feng Fan."
…
Ang pangkat ng mga outer court disciples sa malayo ay nag-ingay noong nakita nilang nilalagay ni Duan Ling Tian ang tatak ng kanyang daliri sa imbitasyon. Bahid ng kawalan ng paniwala at gulat ang makikita sa kanilang mga mata.
Malinaw na hindi nila ito inaasahan.
Noong umalis na si Duan Ling Tian at naglaho sa paningin ng pangkat ng mga outer court disciple, bumalik na ang kanilang diwa.