Sa lugar ng sanayan sa outer court ng Moon Illumination Sect.
Isang grupo ng mga outer court disciple ang nakatayo sa isang bilog sa gitna ng lugar ng sanayan.
Sa malawak na espasyo, isang binata at 'di gaano katandang lalaki ang magkaharap, handa nang lumaban.
Whoosh!
Nang walang pagbababala, ang binata ay nag-angat ng isang kamay, at isang espesyal na papel ang lumutang palabas. Sa wakas ay lumutang ito pababa nang ito ay dumating sa harap ng 'di gaano katandang lalaki.
Dalawang linya ng malinaw na mga salita ang nakasulat sa espesyal na papel na ito. Maliban doon, mayroon ding tatlong tatak ng diliri rito.
Ito ay walang iba kung 'di isang imbitasyon na makipagtunggalian!
"Kahit na wala akong ideya kung bakit mo ako binigyan ng isang imbitasyon na makipagtunggali, hindi na ito mahalaga," sabi ni Duan Ling Tian kay Lin Fu nang kalmado pagkatapos niyang ipadala ang imbitasyon pabalik sa kaniya.