"Hindi ko kailangan na turuan mo siya ng leksyon." Umiling si Zhou Qi.
"Hindi mo kailangan na turuan ko siya ng leksyon?" Nagtataka si Lin Fu. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinusubukang gawin ni Zhou Qi.
"Gusto kong subukan mo ang kaniyang lakas... Maghahanap ako ng iba upang pangalagaan siya sa susunod," walang bahalang sagot ni Zhou Qi.
"Naintindihan ko." Tumango si Lin Fu. "Madali lang ito."
Madali nga lang ito.
Sa kaniyang palagay, ito ay walang iba kung 'di ang pagsisimula ng isang imbitasyon na makipagtunggali.
Kahit na siya ay hindi kapantay ni Duan Ling Tian, siya ay matuturuan pa rin ng leksyon.
Sa patakaran ng sect, naniniwala siya na hindi siya lulumpuhin o papatayin ni Duan Ling Tian... Kung hindi ito isang imbitasyon ng patayan, kakailanganin nilang magbayad gamit ang kanilang mga buhay kung may mapatay sila.