"Hmm." Tumango si Duan Ling Tian bilang sagot sa tanong ni Guo Li tungkol sa utos ng City Governor ng Mound Hill City na protektahan siya.
"Salamat." Matapat na pagpapasalamat ni Guo Li. Siya'y nasiyahan.
"Aalis ka na sa kubo... Ikaw ba'y pupunta na rin sa Merit Pavilion?" Tanong ni Duan Ling Tian, upang mapalitan ang usapan.
"Hmm." Tumango si Gui Li.
"Nagamit ko na lahat ng araw upang makaalis sa kampo isang beses kada tatlong buwan... Maaari pa kaya akong makaalis sa kampo?" Biglang naalala ni Duan Ling Tian ang usaping ito.
"Narinig ko na hindi ito maituturing na pag-alis sa kampo kung ika'y makikipag-palitan lamang ng iyong mga puntos sa Merit Pavilion basta ay magrerehistro ka muna sa Overseer." Sabi ni Guo Li.
"Hindi naman siguro ito magiging problema." Ngumiti si Duan Ling Tian at pagkaraan ay naglakad patungo sa pabilyon na nasa gilid ng mataas na tapakan kasama si Guo Li.