Sa loob ng kalahating segundong iyon, nagkaroon na ng pagkakataon ang bandido na madiskubre ang palaso ni Duan Ling Tian. Yumuko siya at gumulong nang kaawa-awa.
Subalit, nagawa niyang iwasan ang palaso ni Duan Ling Tian.
Ilang pili ng mahahaba niyang buhok ang nalaglag sa ere.
"Mastery Mortal Shedding Stage!" Nang makita kung paano iwasan ng bandido ang palaso, hindi nadismaya si Duan Ling Tian. Sa halip, ang kanyang mga mata ay nagliwanag.
Sumunod, agad siyang naglabas pa ng isang palaso.
Body and Arrow Synchronization!
Tumalon si Duan Ling Tian at umasinta gamit ang palaso. Sa isang kurap ng mata, dumating siya sa harap ng bandido na patayo pa lamang sana matapos niyang gumulong sa nakahihiyang paraan. Sunod, lumapag siya sa lupa nang maayos.
Sa pagkakataong iyon, nadiskubre rin ng bandido si Duan Ling Tian at ang kanyang atensyon ay napunta sa kanya. "Kanina, ikaw ba ang taong inasinta ako sa ilalim ng aking sinturon?"