Kahit pa naiinis sila sa sinabi ni Zheng Jian, wala pa ring ginawa sina Hou Lin at Zhang Ji Long. Ang kaya lamang nilang gawin ay ang tanggapin ito nang walang sinasabi, ang rason ay dahil wala silang laban kay Zheng Jian.
Kumpara kina Hou Lin at Zhang Ji Long, iba ang sagot ni Duan Ling Tian sa sinabi ni Zheng Jian. "Bastardo? Kaya niya ba talaga akong talunin ng dalawa hanggang tatlong atake?" Sobrang naging taimtim ang mukha niya habang may kumislap na lagim sa kaniyang mga mata.
Pagkatalikod niya para tumingin kay Zheng Jian nang may planong lumaban, isang sigaw ang biglang tumunog.
"Anong karapatan mo!?" Kumulog ang boses ng City Governor ng Mound Hill City na para bang umuga sa buong assembly hall. Kasabay nito, nagulat din si Duan Ling Tian.
Bang!