"Iiwan ko kayong dalawa rito," Sinabi ng matandang lalaki habang nakatingin siya kina Hu Jie at Zhu Lang, "Magcultivate kayo ng may sikap sa Latent Dragon Camp... Malaki ang benepisyo kung isa sa inyo ang magiging isa sa Thirteen Gangsters."
"Qing Rong, handa ka na?" Habang sila ay nagtataka kung ano ang Thirteen Gangsters, ang matandang lalaki ay tinignan si Lin QIng Ring at ang kataimtiman sa kaniyang mukha ay napalitan ng ngiti.
Si Lin Qing Rong ay tumango sa matandang lalaki bago siya tumingin kay Duan Ling Tian at Guo Li nang mataimtim. "Duan Ling Tian, Guo Li... Ang mga salitang sinabi ni Elder Liu ay pareho sa gusto kong sabihin sa iyo. Galingan at labanan na maging isa sa Thirteen Gangsters." Nang matapos na nagsalita si Lin Qing Rong, iniwan niya ang matandang lalaki matapos nilang tingnan ang silid sa gilid ng mataas na plataporma. Hindi na niya hinintay si Duan Ling Tian at Guo Li na tumugon.