Bukod pa rito, niligtas ni Senior Lin ang kanyang buhay kanina.
Kahit ano pa man, wala siyang dahilan upang tanggihan ang imbitasyon ng taong ito.
Si Guo Li na ang naunang batiin si Duan Ling Tian, "Matapos na sumali sa City Governor's Estate sa Mound Hill City, mayroon ka nang panggagalingan sa Dao Martial Sain Land… Ang magiging oras mo rito ay mas magiging komportable sapagkat mayroon kang maasahan."
"Salamat," agad na nagpaslamat si Duan Ling Tian kay Guo Li.
"Hmph!" nangutya si Ye Man sa malalim na boses. Halatang hindi siya masaya na sasali si Duan Ling Tian sa City Governor's Estate sa Mound Hill.
"Ye Man!" Tumingin si Li Qing Rong kay Ye Man sa oras na ito.
"Senior Lin." Mapahkumbaba si Ye Man noong hinarap niya si Li Qing Rong. Tila ba ibang tao siya.
"Dapat ka nang umallis," kalmadong saad ni Li Qing Rong.
"Ano?!" Hindi maintindihan ni Ye Man ang ibig-sabihin ni Li Qing Rong.