"Young Miss, kung buhay pa rin siya, malamang ay nagbalik siya sa
Half Moon Island upang hintayin ka," sambit ng isa sa mga lalaking
hindi gaano katanda.
"Babalik ako upang tingnan ang Half Moon Island." Nang kumislap
ang liwanag sa mga mata ni Han Xue Nai, tumalikod siya at sumugod
patungo sa Half Moon Island na parang isang bala ng kanyon.
Subalit, noong makarating siya sa Half Moon Island, ang sagot na
nakuha niya ay malinaw. Kailanman ay hindi bumalik si Duan Ling
Tian sa loob ng isang taon o higit pa.
Sa paglipad niya sa himpapawid ng Half Moon Island, isang hitsura ng
sariling pagsisisi ang makikita sa kaniyang mukha. "Ang lahat ng ito
ay dahil sa akin…Kung hindi naging matigas ang aking ulo at
tumangging dalhin sina Ah Jui at Ah Shi sa akin, wala sigurong
nangyari kay Brother Ling Tian."
Matapos huminga nang malalim, sa wakas ay naging kalmado nang
muli si Han Xue Nai.