'Hindi... Hindi pa ako patay?' Nagkaroon na ng malay si Duan Ling Tian. Tila mabigat pa ang kanyang ulo. 'Naalala ko... Ako'y nahigop ng puyo ng dagat na bigla na lamang lumitaw.'
'Talagang napakalakas nito. Hindi ko ito maiwasan kahit na sapat ang aking lakas na matalo ang mga mas mababa sa Mortal Shedding Stage... Ang lakas ng puyo na ito ay paniguradong higit sa Mortal Shedding Stage.'
'Sa tingin ko ay nawalan ako ng malay dahil sa tama ng mga alon mula sa karagatan...' Napailing si Duan Ling Tian, sinusubukang maalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay.
'Saan ang lugar na ito?' Bumalik ang diwa ni Duan Ling Tian at siya'y tumingin sa paligid. Napagtanto niyang siya'y nasa isang maliit at tigang na isla, napaligiran ng malawak na karagatan.
"Nasaan ang aking Spatial Ring?" Maya-maya, napansin ni Duan Ling Tian na nawawala ang kanyang Spatial Ring. Dahil dito ay malaki ang pinagbago ng kanyang ekspresyon.