Noong inayos na ni Duan Ling Tian ang lahat at handa na siyang dalhin ang dalawang babae at si Han Xue Nai upang umalis sa Half Moon Island at tumungo sa Dao Martial Saint Land, pumunta sa kanya si Li Fei.
"Salbahe, nais kong magpa-iwan." Nagdadalawang-isip na sabi ni Duan Ling Tian kay Li Fei habang marahan niyang kinagat ang kanyang labi.
"Bakit? Hindi mo nais pumunta sa Dao Martial Saint Land?" Tanong ni Duan Ling Tian, siya'y nagtataka.
"Ang mga powerhouse ay nasa buong paligid sa Dao Martial Saint Land. Huwag natin akong pag-usapan, mapanganib nga ito kahit para sa iyo... Hindi ko nais maging pampabigat." Dahan-dahang sabi ni Li Fei matapos niyang huminga ng malalim. "Isa pa, hindi dapat maiwan ng walang lider ang Ling Tian Sect... Nais kong magpa-iwan at alagaan ang Ling Tian Sect para sa iyo."
Hindi niya nais mahiwalay sa kanyang lalaki. Subalit, sinubukan niyang manatiling makatuwiran. Iyon ang dahilan kung bakit niya nasabi ito.