Nang marinig ang mga salita ni Duan Ling Tian, agad na tinamaan ng takot ang tatlong direktang mga disipulo.
Baliw!
Masyadong baliw!
Ito lamang ang natatanging impresyon na mayroon sila sa binatang may lilang kasuotan na nakatayo sa kanilang harapan.
"Peak Master Qi Yu, ano'ng gusto mong gawin sa kanila?" Tanong ni Duan Ling Tian nang tumingin siya kay Qi Yu.
Ang tatlong direktang mga dsiipulo ni Demon Emperor Man Wu ay natakot. Bago pa man makasagot si Qi Yu, mabilis silang sumagot kina Duan Ling Tian at Qi Yu. "Kami ay mga direktang disipulo ni Demon Emperor Man Wu... Kung maglalakas-loob kayo na hawakan kami, hindi kayo pakakawalan ng aming Master!"
Sa maikling sandali na ito, ang isa sa kanila ay nagbato ng isang communication jade slip.
Sa puntong ito, ito lamang ang lahat ng magagawa nila. Hindi sila naglakas-loob na tumakas.