Clang!
Kasabay ng nakakapangilabot na mala-kidlat na sipol ng hangin,
isang pagsabog ng mga metal na sandatang nagsasagupaan ang
bumanda sa himpapawid. Si Chen Bei ay umikot at sumalag,
hinaharang ang palasong tinira sa kaniya ni Duan Ling Tian.
Kahit na ang sibat sa kamay ni Chen Bei ay nakaharang sa palaso,
hindi siya ang nakakalamang. Hinigop ng kaniyang buong katawan at
sibat ang puwersa mula sa palaso.
Hindi lang iyon, subalit mayroon pang malalim na yupi sa sibat na
nasa kamay niya.
Ang mahabang sibat na nasa antas ng Quasi Royal Grade Spirit
Weapon ay nawala sa hugis nang ganoon lamang.
Ngunit, walang pakialam si Chen Bei tungkol dito dahil lubha na
siyang napinsala.
"Duan Ling Tian, inaamin kong minaliit kita. Subalit, sa tingin mo ba
talaga na mapapatay mo ako gamit ang katiting na lakas mo?"
Matapos kumunsumo ng isang grade one Life Recovery Pill, ang mga