"Brother Ling Tian." Nang si Duan Ling Tian ay nagaalala pa rin sa kaligtasan ni Han Xue Nai, isang pamilyar na boses ang narinig sa malayo. Agad lumuwag ang kanyang damdamin.
"Xue Nai." Ang boses ay sinamahan ng paglitaw ng naka-dilaw na batang babae. Ito ay walang iba kundi si Han Xue Nai.
"Brother Ling Tian, anong nangyari dito? Narinig ko ang malalakas na ingay na nanggaling dito," tinanong ni Han Xue Nai.
"Xue Nai, saan ka pumunta?" Mausisang tinanong ni Duan Ling Tian. Hindi muna siya sumagot sa kanyang tanong.
"Nakatagpo ko ang isang ilusyong kanina. Hindi ito malaking bagay. Ngunit nausisa ako kaya hinabol ko ang mga kalaban sa ilusyon," sinabi ni Han Xue Nai ang kanyang karanasan ng mabilis, "Pagkatapos kong umalis ng ilusyon, napansin ko na nawala na ang lahat... Siguro dahil masyado akong nalayo sa lahat. Matagal akong naghanap at sa huli, nagmadali ako dito nang marinig ang mga ingay."