Chereads / War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 1325 - Di Yong ang Island Master ng Half Moon Island

Chapter 1325 - Di Yong ang Island Master ng Half Moon Island

"Gaano ka kangahas upang gumawa ng gulo sa harap ko. Iniimbitahan mo ang kamatayan!"

Sa sandaling ito, ang mga taong naroroon ay takot na nakatingin sa kanya.

Kung hindi nila ito nakita gamit ang kanilang mga mata, hindi sila maniniwala na ang maamong tignan na batang babae ay pinatay ang First Island Master ng Coral Island sa isang kisap-mata.

Sa sandaling ito, ang naka-dilaw na batang babae ay naging Little Devil na hindi nila pwedeng galitin.

"Ano ang dilaw na papel na itinapon niya kanina?"

"Hindi ko alam... Nakita ko lang na nagtapon siya ng dilaw na papel bago niya sinabi ang, 'Appear'. Pagkatapos ay namatay ang First Island Master ng Coral Island."

"Nakakatakot ang dilaw na papel na iyon!"

"Siya ang nakakatakot... Hindi ako makapaniwala na mayroon siyang dala-dalang ganoon."

Ang mga tao na nanonood ay nagbulungan.

Ang dilaw na papel na may sulat ay tumatak sa kanilang mga isip. Mahirap sa kanila na kalimutan ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS