"Natatakot ako... Baka hin-hindi ko gustuhing umalis kapag nakita ko siya." mahinahong buntong hininga ng babaeng nakapula, may tubig na unti-unti tumutulo mula sa kaniyang mata. Ang mga mata niya ay na kay Duang Ling Tian na nasa ilalim ng mga ulap." Baka hindi niya ako gustong umalis"
"Hmph! May babae iyon sa bawat gilid niya ngayon. Malamang nakalimutan na niya ang lahat tungkol sa iyo," sabi ng matandang lalaki.
Malungkot na napangiti ang babae. " Nakita ko rin sa wakas ang kaniyang dalawang kasintahan... Sila ay natatangi tulad ng sabi niya. Hindi. Sila ay mas natatangi pa sa sinabi niya sa akin."
Biglang sinabi ng matandang lalaki, Pwede kang manatili kung nagsisisi ka sa desisyon mo. Pasasabiha ko sila para sa iyo."