Silang dalawa ay naglakbay nang magkasama noong mahiwalay sila kay Duan Ling Tian.
Noong umalis sila, wala na silang oras upang magpaalam kay Duan Ling Tian, bagay na pinagsisihan nila sa mga sumunod na mga araw.
Pagkatapos, si Li Fei naman ang nagpatuloy sa pagkukwento ni Ke er ng mga alaala kay Duan Ling Tian, "Ang unang beses na nakita kita, nasa martial competition ka ng Li Clan sa Aurora City."
Sinabi niya na noong una silang nagkita, wala siyang magandang impresyon sa kaniya dahil naisip niyang maiyado siyang maloko, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay sa Aurora City.
Hindi nakalimutang banggitin ni Li Fei ang tungkol sa dalawang maliliit na python.
"Hindi ko inasahan na nagkaroon ako ng ganoong kamangha-manghang paglalakbay noong bata pa ako," buntong hininga ni Duan LingTian matapos pakinggan ang mga istorya ni Li Fei.