Ang dalawang pamilyar na silweta ay papalayo ng papalay. Bumalik ang diwa ni Duan Ling Tian nang ang dalawang silweta ay naglaho sa Hidden Fog City.
"Sino sila?" Kumunot ang noo ni Duan Ling Tian. Pagkalito ang nakasulat sa kanyang mukha.
Itinabi niya ang kanyang iniisip at hinabol sila. Tila ba gusto niyang malaman kung kanino ang dalawang pamilyar na silweta na iyon.
Naisip niya na ang dalawang likod ng babae ay talagang pamilyar.
Kung isa lamang sa kanila ang mukhang pamilyar sa kanya, maaari niya itong balewalain bilang isang pagkakamali o masyado siyang maraming iniisip.
Gayunpaman, ang dalawang pamilyar na silweta na nagpakita ay tila ba nagsasabi na hindi ito nagkataon lamang. Maaring kilala niya ang dalawang babae na may magandang katawan. Tila ba kilala niya sila dati, at ang kanilang relasyon ay mahalaga.