Ang lahat ng naroroon sa senaryo ay nakatitig sa sampung taong nasa Gravitational Stairs nang buong puso.
Matapos umabot ng sampu sa blue zone ng Gravitational Stairs, ang bawat yapak ay mahira na para sa kanila. Napakahirap nito na para bang hindi na nila kakayaning makadaan hanggang sa tuktok.
"Kaunti na lamang at maaabot na ng lalaking iyan ang dulo." Hindi nagtagal, ang lahat ng naroroon ay napansin ang isang lalaki na halos makalagpas na sa blue zone at umabot na sa indigo zone.
Kapag nakapasok na siya sa indigo zone, kailangan na lamang niyang lagpasan ang violet zone bago masabing nakapasa na siya sa buong Gravitational Stairs.
Ang dahilan kung bakit halos nakalabas na ang lalaking ito mula sa blue zone ay dahil sa katotohanang gamit niya ang kanyang Spirit Weapon, dagdag pa ang kanyang Origin Energy at Profundity na inilabas, para lamang malabanan ang gravitational force.