Lahat ng martial artists na mas mababa sa Fourt Level Martial Monarch Stage ay natumba sa lupa. Hindi na nila kayang tumayo pa.
Para naman sa natitirang martial artists na mas mataas sa Fourt Level Martial Monarch Stage, kahit ang pinakamahina ay kinaya ang aura ni Song Ting at Zhong An kahit hirap na hirap na sila.
Syempre, lahat sila ay pagod na pagod na.
Ilang sandali ang makalipas, binawi na nila Song Ting at Zhong An ang kanilang mga auras. Habang nakatingin sa karamihan at nakaupo sa lapag, sumigaw nang malamig si Song Ting, "Itapon niyo ang mga basurang ito! Sa tingin mo ba ang kahit sino ay pwedeng sumali ng Ling Xuan Peak ng ganyan lang?"
Sa pagkakataong lumabas sa bibig ni Song Ting ang mga salitang iyon, isang grupo ng mga tagapagsunod ng Martial Emperor na naghihintay lang ang agad na kumilos at dinala ang mga taong ito paalis sa entablado.