"Nandito ka ba para sumali sa pagpili ng disipulo at tagapagsunod ng Martial Emperor sa isang buwan?" Hindi mapigilan ng batang lalaki kung hindi magulat nang marinig ang sinabi ni Duan Ling Tian. "Sa lebel ng pag-unawa sa Sword Dao, oras na lang ang magsasabi para maintindihan ang Emperor Stage Sword Concept… Wala sa isip ko na kailangan mo pang maging disipulo ni Martial Emperor Ling Xuan."
"Oras na lang ang magdidikta sa pag-unawa ko sa Emperor Stage Sword Concept?" Pasikretong nakangiti si Duan ling Tian sa sarili niya.
Matagal na niya talagang naunawaan ang Emperor Stage Sword Profundity.
Kaya lamang ay hindi niya ito sinabi sa kabataan. "Hindi ako interesadong maging disipulo ni Martial Emperor Ling Xuan… Sasali ako sa selection test dahil gusto ko maghingi ng pabor kay Martial Emperor Ling Xuan."