Habang si Duan Ling Tian ay nagcucultivate, hindi niya nakalimutan na paangatin ang kaniyang Fused at Sword Profundity.
Ngayon na siya ay biglang inabala at winasak ang kaniyng matinding konsentrasyon, hindi nakagugulat na siya ay naiinis.
Dahil dito, sa sandaling magising siya at iminulat ang kaniyang mga mata, ang mukha ni Duan Ling Tian ay agad na nagdilim.
"Labas!" Isang mayabang na tinig ang naiinip na maririnig mula sa labas ng kubo. Sa isang atake lamang, ang pinto ay bumukas.
Isang malamig na liwanag ang dumaan sa mga mata ni Duan Ling Tian nang siya ay umupo sa hangin. Unti-unti siyang bunaba at tumayo sa lupa bago maglakad nang marahan sa kubo.
Pagkatapos niyang lumabas, sa isang sulyap, nakita niya ang nag-iisang tao na nakatayo sa labas ng kubo.