Ang 'di gaano katandang lalaki na nag-alok na maging bangkero ay umirap sa Nangong Brothers at sumagot nang may magbabagang mga mata, "Sige ba! Tatanggapin ko ang taya niyo."
Sa kaniyang palagay, ang dalawang lalaki na ito ay binibigyan lamang siya ng mga Origin Stone.
"Maaari mong tanggapin ang aking taya pero, dapat pakitaan mo ako ng patunay na kaya mo talagang bayaran kami. 300 supreme-grade Origin Stone at saka 5,000,000 mga high-grade Origin Stone," walang bahalang sabi ni Nangong Yi.
"Hmph! Hindi ako matatalo!" Sabi ng 'di gaano katandang lalaki.
"Eh 'di, nangangahulugan na gusto mong makipagtayaan sa amin nang walang pambayad? Sa tingin mo ba na talagang may bagay na tinatawag na libreng tanghalian sa mundong ito?" Sumingasing si Nangong Yi.
"Mukhang kayo ay wala talagang balak na tumaya." Ngumisi ang 'di gaano katandang lalaki.