"Ano?" Pagkarinig ng balitang ito mula sa disipulo ng Ling Tian Sect, agad na nagbago ang mukha ni Duan Ling Tian.
Pinatay ang mga disipulo ng kaniyang Ling Tian Sect?
Sino ang magiging ganoon katapang!?
"Kahit sino pa man ito, kailangan nilang pagbayaran ang panghahamak sa aking mga tao!" Huminga nang malalim si Duan Ling Tian nang may hindi maitagong malalamig na kislap sa kaniyang mga mata.
"Asan sila?" Tinignan ni Duan Ling Tian ang disipulo sa harap niya bago niya itinanong sa malalim na boses.
Nakaramdam ang disipulo ng galit na lumalabas mula sa Sect Leader. Hindi na niya sinubukan pang patagalin pa siya kaya't agad siyang sumagot, "Sa bandang hilaga."
Hu!
Sa minuto na pagkasabi niya ng kaniyang salita, nakaramdam siya ng ihip ng hangin sa kaniyang mukha bago nawala na lang ang taong nasa harap niya.
Galit na galit si Duan ling Tian. Sobra siyang napipikon!